GAWAIN A PANUTO: Punan ang patlang sa talahanayan batay sa sariling karanasan na kaugnay sa binanggit sa binasang akda. (15 pts) PANGYAYARI O KARANASAN NA BINANGGIT SA BINASA May mga pagkakataon sa ating buhay katulad ng naranasan ng tauhan sa kabanatang ito na kung saan ay natatakot magtiwala si Donya Maria sa kanyang kasintahan na baka makalimutan na siya nito sa sandaling lumayo ito sa kanya at mawalay. 1. Natunghayan sa binasang akda kung paanong makailang ulit na itinanggi ni Don Juan si Donya Maria. May pagkakataon din sa buhay natin na naitatanggi tayo ng mga mahal natin sa buhay. 2. Minsan sa buhay natin nagkakamali tayo ng desisyon gaya na lamang ng hatol ni Haring Fernando na mas kinatigan agad niya ang kwento ni Donya Leonora ng hindi pa man naririnig ang panig ni Donya Maria. 3. Ang pangagako ni Don Juan na di lilimutin si Donya Maria Blanca. 4. Nakita natin kung paanong pinanghawakan ni Donya Leonora ang kanyang panata upang hintayin ang pagbabalik ni Don Juan. 5. Nakita natin sa kwento kung paano inilihim ni Donya Leonora ang mga pangyayari sa ilalim ng balon at natatakot siya na isiwalat ito Haring Fernando dahil kay Don Diego at Don Pedro. SARILING KARANASAN Halimbawa: Narasan ko ito nang minsang magpunta ang aking mahal na ina sa ibang bansa. Laging may takot sa maaring mangyari sa kanya doon. Minsan naman ay natatakot tayo na baka di na siya bumalik o makalimutan na ako at ang aking pamilya sa Pilipinas.
TALAHANAYAN
Punan ang mga bilang ng iyong sariling karanasan na maiuugnay sa mga pangyayari sa kwento na makikita sa ibaba.
Mga kasagutan:
1. Gaya ni Don Juan na ilang ulit itinanggi si Donya Maria, ako ay ilang beses na rin itinanggi ng aking matalik na kaibigan. Maaaring sa tingin niya ako ay hindi popular at walang itsura kaya hindi niya sinasabi sa iba na ako ay kaibigan niya.
2. Tulad ng maling desisyon ng Haring Ferdinando, ako ay marami na ring naging maling desisyon. Isa na rito ang hindi ko pagsama sa mga paligsahan sa pagguhit, na naging daan sana upang ako ay lalong gumaling at magkaroon ng magandang karanasan.
3. Ipinangako ko rin sa aking mga kababata na sila ay kakausapin at bibisitahin ko pa rin kapag kami ay nagkahiwa-hiwalay na, gaya ng pangako ni Don Juan kay Donya Maria.
4. Tulad ng panata ni Donya Leonora na hihintayin si Don Juan, ay panata ko rin sa aking sarili na ako ay magtatapos sa pag-aaral at tutuparin ang aking mga mithiin.
5. Gaya ni Donya Leonora, lahat tayo ay may kanya-kanyang lihim na natatakot tayong isiwalat. Ako matagal ko nang itinatago na minsan ako ay hindi nagbalik ng sobrang sukli.
Tingnan ang link para sa kahulugan ng panata: https://brainly.ph/question/18555228
#SPJ1