Kaalaman: Ang Pang-uri Ay Mga Salitang Naglalarawan Sa Tao, B…

Kaalaman: Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, pook at pangyayari. Nagbibigay
turing din ito sa panghalip. Ang pang-uri ay may tatlong antas; lantay.pahambing at pasukdol.
GAWAIN 1: Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na kuwento. Pagkatapos, bilugan ang lahat
ng pang-uri na ginamit dito.
Maganda Pa Rin ang Bayan Kol
Maliit pa ako ay naririnig ko na ang mga kwento tungkol sa bayang iyon sa Kanluran, sa
bayan ng mga puti. Napakayaman daw ng bansang iyon, makabago, napakalinis,
magaganda at mababait ang mga tao. Kaakit-akit pa ang mga tanawin, nagtatayugan ang
mga gusali, mura ang mga bilihin lalo na ang pagkain. Sa tahanan naman, naglalakihan ang
mga ito tig-iisa ng kotse ang bawat miyembro ng pamilya. Madalas tuloy sa aking pag-iisa ay
maraming katanungan ang pumapasok sa aking isipan. Higit kayang maganda ang bayang
iyon kaysa bayan ko? Mas mabait ba ang mga tao roon kaysa mga kababayan ko?
Kasingganda kaya ng mga tanawin dito ang mga tanawin doon? Sinsarap kaya ng adobo,
sinigang at kare-kare ang mga pagkain doon
Tapos na ako ng kolehiyo nang magkaroon ng pagkakataong makapunta sa bayang
iyon ng mga puti. Nakapagtrabaho ako at kumita ng dolyar. A, talagal Mayaman, malinis,
makabago. Pero bakit ang palagay ng mga puti ay mas mababa ang pagkatao ko kaysa
kanila? Bakit kung may itataas ng tungkulin ay sila ang nauuna gayong sa sipag at pinag-
aralan ay nakahihigit sa kanila? Ang pagkain ay napakasasarap pero iba naman ang lasa.
Bakit naghahanap ako ng dalampasigan ng Boracay, ng Talon ng Pagsanjan, n gating mga
kabundukan, kabukiran at katubigan, ay wala na akong nakita Ngayon ay narito na ako
kung saan ako isinilang Maganda pa rin ang bayan ko!​

See also  Ano Ang Mga Bahagi Ng Abstrak?

Answer:

Napakayaman, makabago, napakalinis, magaganda, mababait, Kaakit-akit, nagtatayugan, Higit kayang maganda ang bayang iyun kaysa bayan ko, Mas mabait ba ang tao roon kaysa kababayan ko? Kasingganda kaya ang mga tanawin dito kaysa sa tanawin roon? Sinsarap kaya ng adobo, sinigang at kare-kare ang mga pagkain doon?