BOUD NG YUMAYAPOS AT ALAMAT NG PINYA

bOUD NG YUMAYAPOS AT ALAMAT NG PINYA

Answer:

Mayroong mag-inang nakatira sa isang kubo. Simple man ang kanilang pamumuhay ay nais pa rin ni Aling Rosa na magkaroon nang maayos na pag-uugali ang kaniyang anak na si Pina. Ngunit tila lahat ng negatibong pag-uugali ay tinataglay na ni Pina.

Una, hindi ito maaasahan sa mga gawaing bahay. Lubhang tamad ito. Kaya nang minsang magkasakit ang kaniyang nanay na si Aling Rosa ay kinailangan niyang magluto.

Ngunit imbes na hanapin ang sandok, panay tanong ito sa kaniyang ina. Ang mga bagay na nasa kaniyang harapan na lamang ay hindi pa niya makita dahil sa katamarang taglay nito.

Dahil sa inis ng ina sa pag-uugaling ito ng anak, isang araw ay nasigawan niya ito at napagalitan. Sinabi ng ina na sana ay magkaroon ito ng maraming mata upang makita nito lahat ng hinahanap niya at hindi na siya tanong nang tanong pa.

Umalis sa kanilang bahay si Pina na masama ang loob dahil sa sinabi ng ina. Simula nang umalis si Pina ay hindi na ito nakita pa ni Aling Rosa.

Ngunit nakita na lamang niya ang isang halamang tumubo sa kanilang bakuran. Marami itong mata kaya naman naalala niya ang kaniyang anak na si Pina dahil sa sinabi niya. Batid niyang nagkatotoo ang kaniyang mga tinuran.

Kaya naman tinawag na nila ang bunga na Pinya bilang pag-alala kay Pina.

Answer:

BUOD NG YUMAYAPOS

Ang kwento ay tungkol sa isang ina sa panahon ng kanyang katandaan. Unti-unti na nakakalimutan ng lola ang kanyang nakaraan. Siya ay nakatira sa bahay ng kanyang panganay na anak na si Ramon. Si Rey na kanyang bunsong anak ay nais na magbakasyon sa kanila ang kanyang ina. Ngunit ayaw ng lola hindi nya maalala ang tungkol sa kanyang bunsong anak hindi niya kilala kung sino ang na pangasawa o mukha anak ni Rey. Dumating ito upang siya ay sunduin at nag iisip pa siya. Nang umalis ang bunso naisip niya na sumama upang maalala pa ang tungkol sa anak.

See also  What Do You Call The Cloth That Is  Wrap-around As A Skirt And Is Usually Paired With Ki...

BUOD NG ALAMAT NG PINYA

May isang balo na si Aling Rosa na mayroong sampung taong anak na si Pinang, Mahal na mahal ni Rosa si Pinang na nais niyang lumaking masanay sa gawaing bahay kaya nito tinuruan.

Ngunit ayaw ni Pinang at lagi niyang ikinakatwiran na alam na niyang gawin ang itinuro ng kanyang ina kaya siya pinabayaan.

Nagkasakit isang araw si Aling Rosa. Napilitan si Pinang na gagawa ng gawaing-bahay. Inutusan siyang magluto ng lugaw. Inutusan siya ng ina niya na magluto siya ng lugaw. Kumuha si Pinang ng ilang dakot na bigas, inilagay sa palayok at hinaluan ng tubig at saka pinabayaan para maglaro. Dahil doon, dumikit sa palayok ngunit pinapasensyahan sya ni Rosa dahil kahit papaano ay pinagsilbihan siya. Isang araw, nang maghanda ng pagluluto ay nagtanong si Pinang sa kanyang ina kung nasaan ang sandok. Sa katatanong ni Pinang ay nasuya si Aling Rosa kaya nasabi niya na:

“Naku, Pinang sana’y magkaroon ka ng maraming mata upang lahat ng bagay ay makita mo at hindi ka tanong nang tanong!”

Umalis si Pinang upang hanapin ito. Kinagabihan, nag-alala si Rosa na hindi pa bumalik si Pinang.

Isang araw, habang nagwawalis si Pinang may nakita siyang isan halaman na hindi pa niya nakita. Binunot niya ito at itinanim sa halamanan.

Nang lumaki ito, nagulat si Aling Rosa na ito ay hugis ulo na napalibutan ng maraming mata. Nalala ni Aling Rosa ang huling sinabi niya sa nawawalang anak at noon pa ay napagtanto na tumalab kay Pinang ang kanyang sinabi. Tinawa nya itong Pinang at sa huli tinawag itong Pinya.

See also  How Martial Arts Evolved? ​

Tinatawag na yantok at ginagamit sa paggawa ng muebles at bahay.