Malalim Na Salitang Tagalog Ng Masaya

malalim na salitang tagalog ng masaya

Ang malalim na salitang tagalog ng masaya ay maligaya. Ito ay tumutukoy sa pakiramdam at emosyon na nararamdaman ng isang tao. Karaniwang nagiging masaya ang isang tao kapag maganda ang mga nangyayari sa kanyang buhay o di kaya naman ay nangyayari ang mga bagay na pinaplano nya sa buhay. Ngunit minsan ang kasiyahan ng isang tao ay depende sa kanila. May mga taong sumasaya sa simpleng bagay lang, meron din namang ibang tao na nasa kanila na ang lahat ngunit hindi parin sila masaya.

Ang kasingkahulugan ng salitang masaya o maligaya ay malugod, nagagalak at natutuwa

Iba pang mga dahilan kung bakit masaya/maligaya ang isang tao

1. Napromote sa trabaho.

2. Sinagot ng nililigawan.

3. Nabuntis ang matagal na hindi nabubuntis.

4. Nakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit.

5. Nakapasa sa board exam.

6. Nagkita ang anak at amang hindi nagkasama ng matagal na panahon.

7. Natanggap sa inaaplayang trabaho.

8. Nagkabati ang magkaaway.

9. Napatawad ang maysala.

10. Nakalaya sa kulungan.

11. Nabili ang pinapangarap na gadget.

12. Gumaling sa malubhang karamdaman.

13. Natapos ang pag-aaral sa kolehiyo.

14. Binili ng bagong laruan ng kanyang nanay/tatay.

15. Umuwi sa sariling bansa at nakasama ang pamilya.

16. Nabigyan ng bonus ng amo o boss.

17. Binigyan ng sorpresang regalo.

18. Pumasyal sa ibang bansa.

19. Nakakuha ng parangal.

20. Nanalo sa lotto.

Mga halimbawa ng pangungusap gamit ang salitang masaya/maligaya

1. Umuwing masaya si Anna dahil sa magandang balita na kanyang nalaman.

2. Masaya sya at nagkasama na sila ng kanyang mga kapatid na nawalay sa kanya ng matagal na panahon..

See also  Mabuti At Masamang Epekto Ng Globalisasyon Sa Pamahalaan ​

3. Siya ay binati ng lahat ng maligayang kaarawan pagdating nya sa kanilang opisina.

4. Masayang binalita ng kanyang doktor na ligtas na sya sa sakit na kanser.

5. Maligaya sya at natupad ang pangarap nyang maging isang arkitekto.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito:Ano ba pwede na magkatugma sa masaya?:https://brainly.ph/question/468718

#LetsStudy