gumawa ng tula na nagpapakita ng konserbasyon sa mga yamang likas at paraan kung paano mapa pamahalaan ang kakapusan lagyan ng pamagat
Answer:
Sa aking pag-iisip,pati pagmamasid
Libo—libong tanoong,utak ko’y sinisisid
Ano nang nangyari sa aking bansang mahal?
Punong matitibay,ngayo’y nakabuwal
Dumadaming tao,umabot na ng bilyon
Nagkukulang!Ito ang kanilang tugon
Ating kalikasan,unti-unting nasisira
Dahila’y maling paggamit,makikita sa aking tula
O punong maatayog,kamusta iyong tayo?
Alam kong nangangamba,isip mo’y kay layo
Anong iniisip?Mawala ka sa pwesto?
Iyon nalang hilingin,pag wala ka’y may dumayo
Kagubatan,kamusta ka na?
Hangin mo ba’y sariwa pa?
Alam kong nalulungkot ka,ngunit wag mangamba
Kahit kay gulo na,may pag-asa pa
Kulang ang likas na yaman para sa atin
Pagdami ng populasyon,wag na sanang hilingin
Pagsira sa ating kalikasan,sana’y iwasan na
Para kinabukasan,langit ay ngumiti na