KWENTO!!
AKO, bilang isang ina na naging ilaw ng aming tahanan, nais kong ibahagian inyo ang along personal na karanasan sa aming pamilya. Biniyayaan kami ng Panginoong Maykapal ng dalawang anak isang babae at isang lalald. Isang pulis ang along Icabiyak at nadistino sa malayong lugar at minsan lang sa isang buwan sya umuuwi dahil sa matinding pangangailangan ng kanyang serbisyo lalong-lalo na ngayon na mayroong pandemyang COVID 19. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay pinagsisilapan kong sabay na maisagawa ang aking papel bilang ina, ama at isang guro. Mula sa pagluluto ng kanilang pagkain, paglalaba, paglilinis at pag-aalaga ng mga anak. May mga gabing walang maayos na tulog sa tuwing nagkakasakit ang aming anak lalong-lao na ang aming pangalawa na isinilang na mayroong karamdaman. Mula Lunes hanggang Biyernes ay masigasig akong nagtuturo sa paaralan. Lahat ng ito ay nagampanan ko kahit na halos ako lang mag-isa ang nagsasagawa ng bawat gawain. Pinalaldi namin ang aming dalawang anak na may takot sa Diyos, tinuruan namin silang magrespeto sa kapwa lalong-lalo na sa mga nalcatatanda. Ginagabayan din namin sila tungo sa paggawa ng tamang desisyon sa buhay. Kahit nasa malayo ang aking kabiyak sa buhay ay tinutupad din niya ang kaniyang tungkulin bilang isang ama lalong-lalo na sa aspetong pinansiyal. Ngayon na malald na ang aming mga anak ay tinuruan na namin sila ng mga gawaing bahay na siya namang tungkulin din nila sa loob ng aming munti ngunit masayang tahanan.
Sagutin mo nga!
1. Ano ang maaaring maidudulot kung ang mga gampaning ito ay hindi matugunan ng bawat kasapi ng iyong pamilya?
2. Bakit mahalaga ang mga gampanin na ito para sa iyo? Ipaliwanag.
3. Sa panahon ngayon ng krisis na dulot ng COVID 19, Paano ito naging banta sa iyong pamilya sa aspetong:
a. Pagbibigay ng edukasyon
b. Paggabay sa pagpapasya
c. Paghubog ng pananampalataya
Answer:
1. Sila ay hindi magkakaintindihan at sila ay mag aaway- away.
2.Dahil ito ay nagpapakita ng pagtitiwala sa sarili at pagtutulungan sa isa’t isa.
3. C. Paghubog ng pananampalataya