1. Sinusuportahan ka ng iyong magulang, kaibigan, guro at prinsipal sa iyong kakayahan bilang mag-aaral. 2. Pinili kang pinakamahusay sa klase dahil sa iyong kakayahan sa lahat ng larangan. 3. May tindahan ng mga gawang-Pinoy ang kamag-anak mo. Alam mong tataas ang ekonomiya ng bansa at makatutulong ka sa kapwa Pilipino kapag binibili mo ang mga iyon. 4. Napili ang pamilya mo na mabigyan ng ayuda o tulong pinansyal ng gobyerno. Binigyan kayo ng walong libong piso ng DSWD, subalit alam mong nagtatrabaho sa gobyerno ang iyong tatay.. 5. May kakapusan sa badyet ang inyong pamilya dahil dalawang buwang hindi nakapasok sa trabaho ang iyong tatay. Nakapag-ipon ka mula sa iyong mga baon noong nakaraang taon upang ipambili mo ng bagong cell phone. Alam mong kapos sa pambili ng ulam ang iyong nanay.
eto Ang kwento Po paki basa mabuti Po
“Naglahong Himutok”
Emily V. Marasigan at Louie C. Tesalona
“Tsk! Tsk! Tsk! Hiyal Bilisan mo ang takbo! Hiyal Kailangang makarami
tayo ng pasahero. Hiyal Ang utos na narinig ni Karyong Kabagayd mula sa kanyang
among kutsero habang tinatahak nila ang kalsada kasabay ng pagbubukang
liwayway. Araw-araw niyang hila ang kalesa. Mula umaga hanggang dapithapon
ay nasa kalye siya at naghahanpbuhay. Mabait at maalaga sa kanya ang kanyang
amo. Bago sila lumakad ay sinisiguro ng amo na siya ay busog at lagging nasa
kondisyon dahil nasa kanya nakasalalay ang ikabubuhay ng pamilya.
Pagdating ng hapon ay kapwa sila pagod. Bagama’t mas matindi ang
pagkapagal ng katawan ni Karyo ay natutuwa na rin siya dahil nakakatulong siya
sa kanyang amo sa pagtataguyod sa mag-anak nito. Sa isang banda’y nalilibang
din naman siya sa mga kuwetuhang kanyang naririnig sa mga pasaherong
inihahatid at sa amo niyang walang dadaig basta kuwentuhan ang pag-uusapan.
Sabihin pa, puro ito kuwentong-kutsero. Sa loob ng kuwadra ay parang
nalilimutan niya kahit sandali ang pananaki ng katawan kapag naaalala niya ang
masasaya at nakaaaliw ba istoryang kanyang narinig sa maghapon
Sa pagmumuni-muni niya’y biglang sumagi sa kanyang isip ang araw
araw na pang-iinggit ni Bertong Baka. Sa tuwing madaraanan niya ito sa tabing
daan habang pumapasada siya ay pulos panunudyo at pagmamalaki ang iparirinig
nito sa kanya. “Bakit ba may takip ang mga mata mo? Baka mabangga ka sa
kanto! Hindi moa ko gayahin. Wala akong ginagawa kundi manginain. Wala ring
latigong lumalatay sa aking katawan. Sana maging baka ka nalang,” ang
maanghang na panunukso ni Bertong Baka. Itinutungo na lamang ni Karyo ang
kanyang ulo at nagtataingang-kawali sa tuwing maririnig ito. Paano’y hindi naman
siya maaaring huminto at patulan anf palalong baka. Hindi tuloy maalis kay Karyo
ang maawa sa sarili dahil sa narinig kay Berto. Minsa’y nagtatanong din siya kay
Bathala. “Ako ba’y isinilang upang magdusa at magpakahirap habang ang iba’y
nabubuhay para magpasarap?” May luhang namuo sa kanyang mga mata at hindi
naglaon ay nakatulugan na niya ang paninikip ng dibdib dahil sa sama ng loob.
Kinabukasan, nag-uurong-sulong man si Karyong Kabayo ay binuo niya
ang pasiya. “Huling araw na ito ng aking pamamasada. Bukas na bukas din ay
lalayas na ako sa kuwadrang ito. Tama na ang pagpapakabayanil” Ang sumpa
niya sa sarili. Nagtatampo man ay hindi siya nagpahalata sa kanyang amo. Gaya
ng dati ay maaga silang bumiyahe. Nadaanan nila si Berto subalit hindi niya ito
pinansin, ni hindi niya alam kung pangungutya na naman ang binitawan nito.
Hindi man lang nakaramdam ng pagkahapo si Karyo sa maghapon nilang
pamamasada. Ngayong papauwi na sila’y wala siyang ibang inisip kundi ang
kanyang binabalak. Kung ‘di pa nga hinila ng kanyang amo ng dalawang ulit ang
renda’y hindi niya mapapansin ang pagsakay ng amo ni Bertong Baka. Nagkataong
pauwi na rin ito buhat sa palengke. “Saan ka, ba galling?” Naulinigan niyang
tanong ng amo niya sa bagong sakay. “Malapit na ang pasukan at malaking halaga
ang kailangan para sa matricula ng mga anak ko. Napagpasiyahan kong ipagbili
ang kaisa-isa kong alagang baka at kinausap ko ang bibili nito,” ang paliwanag ng
kausap. “Sa sarating na Linggo’y nakatakdang katayin ang baka ko at sa Lunes
ko raw makukuha ang karagdagang bayad,” dagdag pa nito.
Piliin kung makatulong sa aking pamilya.
Explanation:
Upang makaraos ang iyong pamilya