Gawain Inyong E Sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin At Unawaing Mabuti Ang Kuwento…

Gawain
inyong
E
sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawaing mabuti ang
kuwento. Pagkatapos basahin ang kwento. Pagsunod-sunurin ang tamang
detalye ayon sa pagkakasunod-sunod ng kuwento. Gawin ito sa
sagutang papel.
Si Bunsong Matulungin
Ang mabait, masipag, maalalahanin at mapagmahal na bunso ay
tumutulong nang kusa sa bahay, di lamang para sa sarili kundi pati sa
mga magulang at mga kapatid. Inilalagay niya sa kanya-kanyang lalagyan
ang lahat ng kanyang gamit sa paaralan, sa bahay at sa iba pa. Sa ganito,
ay hindi siya maghahanap at mag-aaksaya ng panahon lalo na kung
nagmamadali siya. Laging nasa lugar ang mga libro, notebook, lapis,
pentelpen, pad paper, school bag, payong, sapatos, at lahat-lahat na.
Walang kakalat-kalat.
Tumutulong din siya sa kanyang mga kapatid lalo na kung sila ay
abalang-abala sa ibang gawain. Pagdating nila mula sa paaralan ay
sasalubong na siya sa hagdan pa lamang, upang kunin ang kanilang gamit
at ilalagay niya sa kani-kanilang lalagyan. Kapag nagpuputol ng
panggatong ang Kuya niya, ay iniaakyat na niya ang maliliit na piraso.
Kapag nagwawalis ang Ate niya ay kinukuha niya ang basahan at siya na
ang magpupunas sa mga mesa at upuan.
Ang Tatay at Nanay nila ay parehong naghahanapbuhay. Sabi ng
Nanay niya ay malaking tulong daw sa kanila ng Tatay kung silang
magkakapatid, ay masunurin, masipag, magalang at malinis. Natutuwa
ang mga ito at hindi nila nararamdaman ang pagod. Nagpapasalamat sila
sa Panginoon sa pagkakaroon ng masisipag at matulunging anak,
Pagnakagawian na ay walang mahirap. At napakasarap pang
pakinggan ang, “Ay salamat! Mabait at matulungin ang aking bunsong
anak!
Ano ang masasabi mo sa iyong binasa?
Ito ba ay muli mong maiikuwento kapag ganito ang pagkakaayos? Bakit?
Ano ang dapat nating gawin upang higit na maunawaan ang kuwento?
Kaya mo bang gawin?
Tulungan mo ako na pagsunod-sunurin ang mga detalye sa kuwento.
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap na nagmula sa kuwento.
1. Tinutulungan niya ang kanyang ate at kuya sa mga gawaing bahay.
2. Nagpapasalamat ang kanyang magulang sa Panginoon sa pagkakaroon
ng anak na tulad niya.
3. Ang mabait, masipag, maalalahanin at mapagmahal na bunso ay
handang tumulong sa kanyang mga magulang at kapatid.
4. Lagi niyang inaayos ang kanyang mga personal na kagamitan sa
paaralan upang maiwasan ang mga kalat.
5. Masaya siya sa kanyang ginagawa sapagkat alam niyang nakatutulong
siya sa kanyang pamilya.

See also  Halimbawa Ng Dula (short Story)​

Answer:
1 .)3
2.)5
3.)1
4.)2
5.)4

Sana po makatulong​

thanks sa pionts

Explanation:

pa brainlytest po please