Ano Ang Talambuhay Ni Maria Clara At Narcisa O Sisa Sa Noli Me Tangere

Ano ang talambuhay ni Maria Clara at Narcisa o Sisa sa Noli me Tangere

Narito ang talambuhay ni Sisa.
Si Sisa ay isang maganda, simple, mahirap at madasaling babae. Nakatira ito sa isang munting dampa na malayo sa bayan. May asawa ito at dalawang lalaking anak na sina Crispin at Basilio. Siya ay mapagmahal na ina at mabuting asawa. Hindi siya pinalad na magkaroon ng responsableng katuwan sa buhay. Ang kanyang asawa ay inuuna pa ang bisyo. Pabaya itong ama. Malupit, makasarili at tamad din.
Isang araw nalaman ni Sisa na napagbintangan si Crispin ng salang pagnanakaw. Ito ay kinulong ng mga gwardiya sibil. Si Basilio naman ng mga araw na iyon ay nadaplisan ng punglo sa ulo sa dahilang hindi paghinto sa harap ng mga sibil. Natakot ito sa nangyari sa kapatid at sa posibleng mangyari rin dito. Labis na ikinabahala at ikinalungkot ni Sisa ang mga pangyayaring ito. Di kalaun ay kinain ito ng pagkawala sa sarili. Nakita na lamang itong nasa lansangan at tumatangis.
Narito ang talambuhay ni Maria Clara.
Siya ang babaeng anak nila Kapitan Tiyago de los Santos at Dona Pia Alba at kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Nang namatay ang kanyang ina, ang kanyang Tiya Isabel ang tumayong ina sa kanya. Nang pumunta ng Europa si Ibarra para mag-aral, si Maria Clara naman ay ipinasok sa kumbento.
Sa pag-aaral kalauna’y nabatid nito na ang kinilalang ninong na si Padre Damaso ang kanyang tunay na ama. Bumalik na si Ibarra sa kanilang bayan at nagkasama silang muli. Ngunit hindi pabor si Padre Damaso sa relasyon ng dalawa at pinilit na pinaghihiwalay ang mga ito.
Lumala ang relasyon ng binata sa Padre at dahil dito ito ay naging ekscomunigado. Bagay na ikinabahala at iknalungkot ng dalaga. Lumala ng lumala ang sitwasyon ng binata. Si Maria Clara ay napilitang iwaksi ang kanilang relasyon at pumayag na tanggapin ang relasyong inilalahad ni Linares. Inakala ng dalaga na namatay si Ibarra at ito ay kanyang ikinalungkot ng lubusan sa kanyang buhay.

See also  Ano Ang  pagkakatulad Ng Tanka At Haikus?