banghay ng alamat ng pinya
Answer:
Alamat Ng Pinya
Si Pina ay nag-iisang anak ni Aling Rosa mahal na mahal niya ito kung kaya ninais niyang lumaki itong may kaalaman sa mga gawaing bahay. Ngunit si Pina ay hindi mahilig sa paggawa ng mga ito. Ang tangi niyang nais ay makipaglaro sa kanyang mga kaibigan. Isang araw na nagkasakit ang kanyang ina napilitan si Pina na gumawa ng mga gawaing bahay. Isang araw sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang sandok. Kanya itong itinanong sa kanyang ina, sa inis ng ina sapagkat lahat na lamang ay tinatanong ni Pina sinabi niya dito na sana ay magkaroon ito ng maraming mata upang makita nito ang mga bagay na hinahanap nito. Umalis si Pina sa silid ng ina ng di umiimik. Kinagabihan hindi na bumalik si Pina sa kanyang silid. Agad niya itong tinawag ngunit walang sumasagot sa kanyang tawag. Hindi niya na ito nakita. Isang umagang nagwawalis si Aling Rosa sa kanilang bakuran nakita niya ang isang halaman na tumubo sa silong ng kanilang bahay. Kinuha niya ito at itinanim sa kanilang bakuran. Pagkaraan ng mga araw ito ay lumaki at namunga. Nagulat si Aling Rosa sa itsura ng bunga ng halaman sapagkat ang bunga nito ay napapalibutan ng mata. Kanyang naalala ang kanyang anak na si Pina at ang kanyang sinabi dito. Naiisip niya na ang sinabi niya kay Pina ay tumalab dito. Kung kaya ang halaman ay tinawag niyang itong Pinang. Nang magtagal ito ay tinawag ng Pinya.
Answer:
yan na po
thanks me later