Basahin Ang Kwento Ni Tony Meloto, At Ang Kaniyang Pagbahagi Ng Kaniyang Karanasan S…

Basahin ang kwento ni Tony Meloto, at ang kaniyang pagbahagi ng kaniyang karanasan sa pagsisimula ng GAWAD KALINGA, isang organisasyong tumutulong sa pagbibigay ng bahay na matitirhan para sa mga mahihirap. Matapos basahin ang kwento ay sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Si Tony Meloto ay ipinanganak noong Enero 17, 1950. Siya ay nag-aral ng isang taon sa De Anza School sa Richmond, California bilang isa American Field Service Scholar, at nagtapos naman ng Economics noong 1971 sa Ateneo de Manila bilang isang iskolar muli. Matapos nito, siya ay nagtrabaho bilang purchasing manager sa Proctor and Gamble. Tunay na naging maganda ang naging buhay ni Tony kahit pa ang kanilang pamilya ay hindi mayaman. Ang kanyang trabaho sa malaking kumpanya na tulad ng Proctor and Gamble ay di maikakailang sapat na upang magpaligaya sa kanya. Subalit, bakit niya isigawa ang ganitong proyekto, ang Gawad Kalinga? Taong 1985 nang maging aktibong kasapi ng Couples for Christ is Tony at doon ay mabilis syang umangat upang lider na naatasang magtayo ng Couples for Christ Family Ministries noon 1993. Nasali si Tony sa isang programa sa Bagong Silang, isang malaking lugar ng mga iskwater sa Metro Manila. Doon nakita ni Tony ang silbi ng kanyang buhay bilang tagapaglinkod ng Diyos. Ang mga iskwater sa Bagong Silang ay lubhang kulang sa pangunahing pangangailangang pisikal at espiritwal. At nabuo nga ang Gawad Kalinga, ngunit, ano ang layunin ni Tony Meloto sa pagsasagawa ng ganitong mga proyekto? Nakita ni Tony na hindi lamang dapat iahon mula sa kahirapan ang mga tao kundi kailangan din silang bigyan ng pag-asa sa pamamagitan ng pag-tanggal ng ‘slum mentality’ o ang pag- iisip na wala na silang ibang patutunguhan. Ang konsepto ng Gawad Kalinga ay ang paggawa ng bahay ng mahihirap at mga isponsor para sa mga mahihirap. Sa ngayon, marami nang organisasyon, korporasyon, at iba pang Samahan ang nakikiisa sa paggawa ng mga bahay. Ang isang kumpanya, halimbawa, na magiging isponsor, ay magpapadala ng mga tauhan nila sa isang lugar ng Gawad Kalinga at doon sila ay bubuo ng bahay: magbubuhos ng semento, magpipintura ng bahay, at kung anu-ano pa. Liban sa paggawa ng bahay, sinisikap din ng Gawad Kalinga na bigyang kabuhayan ang residente. May isang Gawad Kalinga na ang negosyo ng mga residente ay ang paggawa ng itlog na maalat. Bawat isang ‘village’ ng Gawad Kalinga ay may iba’t ibang paraan ng pagkakabuhayan. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagtulong sa mga residente na mamuhay bilang mga mahusay na Kristyano. Maraming boluntaryong nagtuturo sa bawat ‘village’ ng Gawad Kalinga di lamang ng akademya kundi ng pagiging tapat na Kristyano rin. Mula sa Gawad Kalinga ay umusbong rin ang SEED school, na naglalayon naman na papag-aralin ang mga kabataan na mula sa mahihirap na pamilya. Sabi nga ni Jean-François de Lavison, na nagtaguyod ng Ahimsa Fund, malaking tagumpay ang SEED school. Karamihan sa mga estudyante ay nagiging bihasa sa Ingles sa loob lamang ng ilang buwan. At ngayon nga ay pinaplano na ni Tony na makipagkaisa sa ilang ‘Culinary Schools’ para sa susunod na hakbang ng proyektong ito. Ilan sa mga Tony Meloto quotes ay, “The older I get the more I want to work with the young who teach me how to dare.” [Habang ako ay tumatanda, lalong umiigting ang aking pagnanais na makatrabaho ang mga kabataan na tinuturuan ako na maglakas loob] Sa edad na 50, maigting pa rin ang apoy ng pagtulong sa puso ni Tony Meloto.

See also  Epekto Ng Social Media Sa Mga Estudyante Thesis

a. Ano ang nagtulak sa kaniya upang simulan ang Gawad Kalinga at iwan ang kaniyang trabaho?

b. Paano niya sinimulan ang Gawad Kalinga?

c. Ano ang nagpapatatag sa kaniya upang ipagpatuloy ang kaniyang gawain?

d. Bakit niya isinagawa ang ganitong mga proyekto?

e. Ano ang maituturing mong pinakamagandang impluwensiya sa iyo ng iyong nabasang kwento? Ipaliwanag.​

Answer:

A

Explanation: