Basahin Ang Kwento Sa Ibaba At Sagutin Ang Mga Tanong. Ika-22- Ng Abril Taong 20…

Basahin ang kwento sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Ika-22- ng Abril taong 2019, ganap na 5:11 ng hapon. Habang ako ay namamahinga sa loob ng aming tahanan, ang aking pamilya ay masayang nanonood ng palabas sa telebisyon. Makalipas ang ilang sandali unti-unti akong nakaramdam ng paggalaw ng mga bagay sa aking paligid. Mabilis akong bumangon mula sa aking pagkakahiga Naririnig kong sumisigaw ang aming kapitbahay na “Labas! Labas tayong lahat! Lumilindoll Lumilindol! Nagsilabasan kaming lahat at pumunta sa lugar kung saan alam namin kami ay ligtas. Magnitude 6.1 na lindol na pala ang tumama sa Zambales na naramdaman din natin dito sa Pampanga. Habang kami ay nasa labas, nasaksihan ko ang iba’t ibang reaksyon o kilos ng mga tao. Mayroong mga nagpapanic, nananalangin na sana tumigil na ang lindol, may mga batang umiiyak at halos lahat ay takot ang nararamdaman sa oras na iyon. Makalipas ang ilan sandali nawalan ng suplay ng tubig at kuryente. Unti-unti ng tumigil ang pagyanig at halos lahat ay nagpasalamat. Wala naman nagtamo ng sugat at pinsala sa amin. Gabi na ng bumalik ang suplay ng tubig at kuryente. Nakakalungkot na laman ng balita sa telebisyon at radyo ang mga gumuhong parte ng mga bahay, pader kasama narin ang mga lumang simbahan at mayroon siyam na tao ang nasawi sa pagguho ng isang gusali sa nasabing lindol sa Porac, Pampanga. Ang araw na iyon ay isa sa mga karanasan na aking naramdaman at nasaksihan na sana hindi na maulit pa.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong 1. Ano ang naramdaman ng nagsasalaysay sa kwento? 2. Kailan naranasan ng nagsasalaysay ang nasabing lindol ? 3. Gaano kalakas ang lindol na tumama sa Zambales at Pampanga? 4. Ano ang naidulot ng lindol sa bayan ng Pampanga? 5 Ano ang mga nasaksihan ng nagsasalaysay sa mga tao sa kwento? 6. Anu-ano ang dapat gawin kapag may lindol ? 7. Ano ang nararamdam mo kung ikaw ang nasa sitwasyon? Bakit?​ please answer po my question?

See also  Ano Nag Halimbawa Ng Balagtasan

1. Takot

2.5:11 ng hapon

3. 6.1

4 mayroon siyam na tao ang nasawi sa pagguho ng isang gusali sa nasabing lindol sa Porac, Pampanga

5. Mayroong mga nagpapanic, nananalangin na sana tumigil na ang lindol, may mga batang umiiyak at halos lahat ay takot ang nararamdaman sa oras na iyon

6 pumunta sa lugar na ligtas

7 ako ay matatakot at magpapanik dahil biglaan ang lindo at pwede ito mangyari kahit saan at kahit kailan

pa brainiest po salamat ngmadami