Basahin Ang Kwento. Tignan Kung Paano Nakikilahok Ang Pamily…

Basahin ang kwento. Tignan kung paano nakikilahok ang pamilya Reyes sa

mga gawaing pampamayanan.

Sumunod sa Protocol

Jeremiah G. Miralles

Isang umaga habang nag-aalmusal ang mag anak na Reyes ay

nakikinig sila ng balita sa radyo. “Magandang umaga Pilipinas, narito ang

mahalagang balita sa oras na ito. Parami ng parami ang namamatay sa

COVID-19 sa loob at labas ng ating bansa. Hanggang sa ngayon wala pa ring

tiyak na lunas para sa nakamamatay na sakit na ito.

Pinapaalahanan ang lahat na sumunod sa mga protocols: magsuot ng

face mask at face shield, pagpapanatili ng social distancing, palagiang

paghuhugas ng mga kamay o paggamit ng alkohol. Para sa mga kabataan at

matatanda, kinakailangan silang manatili sa loob ng bahay. Delikado ang

sakit na ito at hindi nakikita ang kalaban. Sundin ang mga paalala upang

hindi mabiktima. Tandaan, prevention is better than cure.

Nanay: “Sana matapos na ang pandemyang ito.”

Tatay: “Kaya sumunod tayo sa mga gabay at paalala ng mga

kinauukulan. Kung hindi susunod ang mga tao sa mga

inuutos sa pamayanan lalong lalala ang sitwasyon.”

Anak: “Tay tumawag po sa akin ang aking kaibigan. Maglalaro daw

kami sa labas. Magbibisekleta daw po kami at dadalawin ang

aming mga kaibigan. Ilang buwan na din po kasi na hindi kami

nagkikita.”

Tatay: “Anak narinig mo ba ang balita ngayon sa radyo?”

Anak: “Opo tay, sinabihan ko po ang kaibigan na bawal po lumabas

lalo sa sa mga katulad naming mga kabataan upang hindi po

kami mahawa at makapagdala ng sakit. Pinayuhan ko din po

See also  Halimbawa Ng Simbulo At Repleksyon Ng Lipunan​,kabutihang Panlahat

ang aking kaibigan na dapat magsuot ng face mask kung

sakaling lalabas kung kinakailangan. Sinabi ko din po na

dapat makilahok po tayo sa mga gawaing nakapagdudulot ng

kabutihan sa ating pamayanan.

Nanay: “Tama iyan anak. Ang pakikilahok sa mga gawain sa

pamayanan ang tanging paraan natin upang mapigilan ang

pagkalat ng nakamamatay na sakit na ito.​

Mga tanong:

Anong kaugalian ng isang Pilipino ang ipinakita sa kwentong “Sumunod sa

Protocol”?

___________________________________________________________________________

Ano ang maidudulot ng pakikilahok sa pamayanan?

___________________________________________________________________________

Ano-ano ang mga halimbawa ng mga gawaing nakikilahok sa pamayanan?

___________________________________________________________________________

Paano ka makatutulong sa mga gawainsa pamayanan? Magbigay ng isang

halimbawa ng programa sa inyong pamayanan na maari mong lahukan bilang isang

batang Pilipino.

___________________________________________________________________________

Answer:

1.pagiging msunurin at paggalang

2.mapipigilan o maiiwasan ang pagkalat ng sakit o virus

3.pagsunod sa mga protocols ksma n dito ang pinagba2wal ang paglabas ng bahay kung d nmn kailangan.

4.makikilahok ako at mkikiisa sa mga ipinatutupad ng aming pamyanan..

Explanation:

sna mktulong