Gawain Sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin At Ang Unawaing Mabuti Inyong K…

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at ang unawaing mabuti inyong kuwento. Pagkatapos basahin ang kwento. Pagsunod-sunurin ang tamang detalye ayon sa pagkakasunod-sunod ng kuwento. Gawin ito sa sagutang papel. Si Bunsong Matulungin Ang mabait, masipag, maalalahanin at mapagmahal na bunso ay tumutulong nang kusa sa bahay, di lamang para sa sarili kundi pati sa mga magulang at mga kapatid. Inilalagay niya sa kanya-kanyang lalagyan ang lahat ng kanyang gamit sa paaralan, sa bahay at sa iba pa. Sa ganito, ay hindi siya maghahanap at mag-aaksaya ng panahon lalo na kung nagmamadali siya. Laging nasa lugar ang mga libro, notebook, lapis, pentelpen, pad paper, school bag, payong, sapatos, at lahat-lahat na. Walang kakalat-kalat. Tumutulong din siya sa kanyang mga kapatid lalo na kung sila ay abalang-abala sa ibang gawain. Pagdating nila mula sa paaralan ay sasalubong na siya sa hagdan pa lamang, upang kunin ang kanilang gamit at ilalagay niya sa kani-kanilang lalagyan. Kapag nagpuputol ng panggatong ang Kuya niya, ay iniaakyat na niya ang maliliit na piraso. Kapag nagwawalis ang Ate niya ay kinukuha niya ang basahan at siya na ang magpupunas sa mga mesa at upuan. Ang Tatay at Nanay nila ay parehong naghahanapbuhay. Sabi ng Nanay niya ay malaking tulong daw sa kanila ng Tatay kung silang magkakapatid, ay masunurin, masipag, magalang at malinis. Natutuwa ang mga ito at hindi nila nararamdaman ang pagod. Nagpapasalamat sila sa Panginoon sa pagkakaroon ng masisipag at matulunging anak. Pagnakagawian na ay walang mahirap. At napakasarap pang pakinggan ang, “Ay salamat! Mabait at matulungin ang aking bunsong anak! Ano ang masasabi mo sa iyong binasa? Ito ba ay muli mong maiikuwento kapag ganito ang pagkakaayos? Bakit? Ano ang dapat nating gawin upang higit na maunawaan ang kuwento? Kaya mo bang gawin? Tulungan mo ako na pagsunod-sunurin ang mga detalye sa kuwento. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap na nagmula sa kuwento. 1. Tinutulungan niya ang kanyang ate at kuya sa mga gawaing bahay. 2. Nagpapasalamat ang kanyang magulang sa Panginoon sa pagkakaroon ng anak na tulad niya. 3. Ang mabait, masipag, maalalahanin at mapagmahal na bunso ay handang tumulong sa kanyang mga magulang at kapatid. 4. Lagi niyang inaayos ang kanyang mga personal na kagamitan sa paaralan upang maiwasan ang mga kalat. 5. Masaya siya sa kanyang ginagawa sapagkat alam niyang nakatutulong siya sa kanyang pamilya. ​

See also  Ano Ang TANKA At HAIKU? ​

Answer:

anhaba diko ma isa isa hehe

Explanation:

sorry