katangian ng mga diyos at diyosa sa Mito pinagbabatayan ng pangalan ng planeta ng mga araw produkto o kompanya at termilohiya sa medisina
Narito ang kasagutan kung ano o sinong mga diyos o diyosa sa mitolohiya ang pinagbatayan ng mga pangalan ng planeta, mga araw o linggo, mga produkto o kompanya.
Mga Diyos at Diyosa
Planeta na kinuha ang pangalan sa mga diyos at diyosa.
Venus- hango sa pangalan ng diyosa ng mga Romano na si Venus, ang diyosa ng kagandahan at pag-ibig. Dahil sa natatangi nitong ganda at panghalina.
Jupiter- hango sa pangalan ng diyos ng mga Romano na si Jupiter, ang pinuno at pinakamakapangyarihan sa lahat ng diyos.
Saturn- hango sa pangalan ng diyos ng mga Romano na si Saturno, ang diyos ng agrikutura.
Neptune- hango sa pangalan ng diyos ng mga Romano na si Neptuno., ang diyos ng karagatan. Na mayroong kakayahan na pagalawin ang dagat, bagyo at lindol.
Mercury- hango sa pangalan ng diyos ng mga Romano na si Mercury, ang mensahero ng mga diyos.
Mars- hango sa pangalan ng diyos ng mga Romano na si Mars, ang diyos ng digmaaan.
Uranus- hango sa pangalan ng diyos ng mga Romano na si Uranus, ang diyos ng kalangitan.
Mga araw at Linggo na hango ang pangalan sa mga diyos at diyosa.
Linggo- ito ang araw na namatay si Solis. “Ang araw ng araw”.
Lunes- ito ang araw na namatay si Lunae. “Ang araw ng buwan”.
Martes- ito ang araw na namatay si Martis. “Ang araw ng Mars”.
Miyerkules- ito ang araw na namatay si Mercurii. “Ang araw ng Mercury”
Huwebes- ito ang araw na namatay si Lovie. “Ang araw ng Jupiter”
Biyernes- ito ang araw na namatay si Veneris. “Ang araw ng Venus”.
Sabado- ito ang araw na namatay si Saturni. “Ang araw ng Saturn”.
Mga produkto at kumpanya na hango ang mga pangalan sa mga diyos at diyosa.
Nike- hango sa pangalan ng diyosang si Nike, ang diyosa ng tagumpay
Athena- hango sa pangalan ng diyosang si Athena, ang diyosa ng digmaam, sining at karunungan.
Mercury Drug- hango sa pangalan ng diyos na si Mercury. Ang diyos ng komersiyo, sensiya, medisina.