Malalim Na Kahulugan Ng Statistics Sa Tagalog

Malalim na kahulugan ng statistics sa tagalog

Answer:

Ang estadistika o statistics ay ang pag-aaral tungkol sa pagtitipon, pagsasaayos, pag-aanalisa o pagsisiyasat, pagbibigay kahulugan o interpretasyon at pagtatanghal ng mga datos (o data). [1][2] Kabilang dito ang pagpaplano ng pagkuha o koleksiyon ng datos ayon sa disenyo o paraan ng mga estadistikal na survey at disenyong eksperimental.[1] Ang isang estadistiko (statistician) ay maalam sa mga paraan na kailangan para sa matagumpay na aplikasyon ng analisis na estadistikal. Ang gayong mga tao ay kadalasang nagkakamit ng karanasan sa pamamagitan ng paggawa sa anuman sa mga malawak na larangan. Mayroon ding isang disiplinang tinatawag na estadistikang matematikal na nag-aaral ng estadistika ng matematikal. Ang salitang statistics kapag tumutukoy sa disiplinang pang-agham ay pang-isahan o singular gaya ng sa “Statistics is an art.”[3] Ito ay hindikatulad ng salitang statistic na tumutukoy sa kantidad gaya ng mean at median na kinukuwenta mula sa mga datos,[4] na ang plural ay statistics.

Explanation:

search

See also  B. Combine With D. Stay With 14. What Type Of Wire Is Used In The Wind...