Malalim Na Tagalog Word

malalim na tagalog word

Kasagutan:

Mga malalalim ma salita at kahulugan nito:

  • Nasukol – nahuli

Sa wakas ay nasukol na rin ang kriminal na matagal na naming hinahanap.

  • Malamyo – malambing, mahinahon

Nahulog ang loob ko sa kanya dahil bukod sa marikit siya ay malamyo pa siya at mabait.

  • Malasutla – malambot

Napahiga siya sa kama na malasutla at mahimbing na nakatulog.

  • Batingaw – kampana

Nang mag-umaga na ay narinig nila ang tunog ng batingaw.

  • Agam-agam – pag-aalala o pangamba

Nang ikinasal na sila ay nawala na ang agam-agam sa kanyang puso.

  • Balintataw – imahinasyon

Nakalulungkot isipin na sa aking balintataw ko na lamang siya mahahagkan.

  • Nabanaag – nakita

Nabanaag ko ang umagang kaytagal ko nang hinihintay.

  • Lipulin – puksain

Kailangang lipulin na natin ang kasamaan sa lalong madaling panahon.

  • Tumalilis – tumakbo ng mabilis

Nang makita ako ng kuneho ay tumalilis ito.

  • Tungayawin – sumpain

Humagulgol ang aking ama ng tungayawin siya ng aming ina sa pag-abandona niya sa amin.

  • Napadupilas – nadulas

Nang napadaan siya sa gilid ng swimming pool ay napadupilas siya at nabalian

#BrainlyHelpAndShare

#CarryOnLearning

#AnswerForTrees

#BrainlyOnlineLearning

See also  Ano Ang Pagkakatulad Ng Tanka At Haiku​