-patulong Po Please -wag Niyo Sagotan Kung Points Lang Habol Niyo LIONGO(…

-patulong po please
-wag niyo sagotan kung points lang habol niyo

LIONGO(Mitolohiyang binasa)

1. ano ang suliraning kinakaharap ng pangunahing tauhan sa akda?
2. Ilarawan ang naging kilos at gawi ni Liongo?
3. ano ang naging desisyon ni Liongo? Makatuwiran ba ito? Bakit?
4. anong mensahe ang nais ipabatid ng akda sa mambabasa?​

1. ang suliraning kinakaharap ng pangunahing tauhan sa akda ay nagkaroon ng pagbabago sa pamumuno, dahil sa inggit at inis, gumawa ng paraan si Haring Ahmad para ibilanggo si Liongo.

2. marahil si liongo ay mahusay sumulat ang naging kilos at gawi ni liongo dito ay gumawa siya ng sulat at ito’y inawit ng mga nasa labas ng piitan.

3. napagdesisyunan niya na habang umaawit ang mga nasa labas ng piitan siya ay umisip ng paraan para makatakas sa bilangguan, para sa akin ito’y makatwiran dahil wala naman siyang nagawang masama, dahik nainggit lamang sa kanya si haring ahmad kaya siya nito ipinabilanggo.

4. sa aking opinyon, ang nais ipabatid ng akda sa mambabasa ay kahit na naiinggit tayo huwag gumawa ng mga bagay na makakasama sa ating kapwa, lalo na kung wala naman ginagawang masama ang kapwa natin sa atin.

Answer:

1. Ang suliraning kinakaharap ni liongo ay ang kaniyang tinatagong kahinaan sa karamihan, ito ay ang matamaan ng karayom ang kanyang pusod.

2. Naging mahinahon siya sa kanyang pagkilos dahil kahit masama ang pakikitungo sa kanya ni Haring Ahmad ay hindi niya parin ito ginantihan.

3. Masasabing naging makatuwiran ang naging desisyon ni Liongo sapagkat nang siya ay makawala sa kanyang pagkakabilanggo, hindi siya naghiganti sa mga taong naging dahilan ng kanyang pagkakakulong dahil ayaw niyang may madamay pang ibang tao. Ang tanging ginagwa nya ay nagtungo sa kagubatan upang doon manirahan kasama ang mga tribo at nagsanay sa paggamit ng armas at pana.

See also  Ano Ang Paksa? Ang Paksa Ay_____ ​

4. Ang nais ipabatid ng akda sa mambabasa ay ang pagiging matalino natin sa bawat desisyong ating gagawin.